ISA sa most popular tourist destinations ang Pilipinas sa buong mundo. No doubt about it.
Multi-awarded at world-class ang ating beaches, priceless ang heritage sites, makukulay at unique ang mga kapistahan, panalo sa sarap ang mga pagkain at higit sa lahat – tumatatak ang warm hospitality ng mga Pinoy, parating nakangiti may trouble man o wala, at galit sa karaoke.
Pero little did we know, treasure trove din ang Pilipinas ng archeological at rare botanical finds na nagpabago ng pang-unawa natin sa human evolution at nagbibigay-linaw sa ilang mysteries of nature.
Sa report ng British Broadcasting System, dumagdag sa linya ng human ancestors ang Callao man o “Ubag” na may scientific name na Homo Luzonensis.
Sa report, narecover ang iba-ibang parte ng buto hanggang 2007 sa Callao Cave, Tugegarao, Cagayan. Naglabas din ng report sa nadiskubreng kaparehong lahi, ilang taon ang nagdaan mula sa kalapit ding lugar.
Isa ito sa pinakaimportante at landmark archeological discoveries sa Pilipinas at buong mundo dahil luminya ito sa kasaysayan ng modern man’s evolution o family tree ng madlang humans.
Base sa pagsusuri sa mga parte ng kalansay, nabuhay at naglamyerda ang lahing ito noong nagdaang 50,000-67,000 taon sa Luzon.
Meron itong 13 iba-ibang labi ng mga buto kasama ang ngipin, kamay, paa at hita ng tatlong matatanda at bata. Para lang nakapangingilabot.
May hawig ito sa modern man pero may ilang features na matatagpuan sa mga myembro ng genus Homo at sinaunang australopithcines: para siyang ape, nakatindig maglakad at nabuhay sa Africa two to four million years ago.
Sinasabi ring malapit na kamag-anak ito ng homo erectus.
Dahil dyan, may teorya na, mula Africa, naglakbay sila papuntang Southeast Asia na hindi sadya o hindi planado. Ano yun naligaw sa pamamasyal lol! Malawak lang kasi ang Earth noh. Talk about ancient migration.
Nakapagtataka lang para sa scientists kung paano sila nakatawid sa dagat papuntang Pilipinas.
Just the same, cheers sa archeologists mula sa University of the Philippines at French National Museum o Natural History na sina Professor Armand Mijares, leader ng project, katuwang si Florent Detroit.
Pero radikal itong binago noong May 2, 2018, nang i-publish ng respetadong Nature.com ang kauna-unahang human activity sa Pilipinas.
Natagpuan sa Rizal, Kalinga ang higit 400 animal bones at fossils ng kinarneng “Ice Age” rhinoceros at 57-60 stone tools.
Ayon sa The Conservation, ang butchered rhino ay nabuhay mahigit 700,000 taon nang nagdaan at tulad ng mga taong naghunting dito, ay mga extinct na rin, naglahong lahi.
Binansagan itong “one-in-a-million find” ng mga scientist.
Binago ng discovery na ito ang kasaysayan ng pinakaunang tao sa Pilipinas.
Sa report ng Nature.com, inatras ng discovery na ito nang mahigit 600,000 years ang naunang record ng Callao man na 50,000-67,000 bilang unang super ninunong Pinoy na nabuhay sa kasaysayan.
Ibig sabihin, higit 600,000 years bago pa sumulpot ang modern man o Callao man sa Pilipinas, meron nang nagkatay ng rhinoceros.
Pero ang tanong ng scientists – sino?
Umamin na kasi, wag nang pa-stress.
Gamit sa pagsukat ng edad ang electron-spin resonance (ESR) method sa ngipin at fluvial quarts.
Sinusukat ng ESR ang pagdami ng electrons bilang materyal na natatamaan ng radiation sa pag-abante ng panahon.
Anyways, hindi pa ma-identify ang species ng naunang tool-makers sa Luzon dahil salat sa hominin fossils sa rhino site. Hominin, meaning human ancestors.
Paliwanag sa Smithsonian magazine, napag-alamang kinarne ang rhino dahil nakitaan ito ng labin-tatlong hiwa o tadtad sa mga buto na ang iba ay sadyang biniyak para makuha ang putok batok na bone marrow. Nakakangilo isipin.
Paniwala ng archeologists, ang cut marks ay tanda na ang mga ninunong Pilipino ay gumagamit ng sinaunang utensils para ihiwalay ang karne ng rhino. Lifestyle yarn, lol!
Kasama ring natagpuan ng nag-collab na Filipino at foreign scientists ang fossils ng Philippine brown deer, freshwater turtle at monitor lizard.
Kudos sa international team ng Filipino, French, Australian at Dutch researchers.
Kasama sa rito sina Angel Bautista, Marian Reyes, Clyde Jago-on at Catherine King.
Ang French experts ay pinamunuan ni Dr Thomas Ingicco mula sa Museum National d’Histoire Naturelle kasama rin si Dutch Biologist John de Vos.
Mula animal kingdom, lipat naman sa plant kingdom isa pang winner discovery:
Noong May 2014, natagpuan sa
Lucapon, Sta Cruz, Zambales, ang kakaibang halaman na may mabagsik na bituka, so-to-speak.
Sa report ng Sci.news, ang rinorea niccolifera ay kayang kumain ng metal at tunawin ang soil pollutants nang hindi namamatay sa lason ng mineral na nickel.
May iba pang varieties nito sa ibang bansa pero ito na ang sinasabing pinakaastig sa katakawan ng metal.
Sadyang destructive ang nickel mining kaya potensyal na makatutulong ang metal-eating plant na ito para maremedyuhan ang polluted soil.
Dahil dito, nakikita ng mga scientist na pwedeng mabago nito kung paano magmina ang tao.
Di ba, sa tradisyunal na pagmimina, hinuhukay ang lupa hanggang matumbok ang target na minerals sa ilalim
Pero gamit ang halaman na ito, pwede nang magtanim at paramihin ang rinorea niccolifera.
Pagdating ng anihan, i-e-extract o ihihiwalay ang metals sa mga dahon.
Posibleng mahirap gawin ito pero knowing mga tao, madiskarte at inventive, carry ng metal-eating plant na ito mapangalagaan ang kapaligiran.
Ang problema lang, papaubos na ang lahi ng rinorea niccolifera kaya inaasahang nape-preserve na ang botanical wonder na ito.
Kahanga-hanga ang research discovery na ito ng lead scientist at paper author na sina Professor Edwino Fernando at isa pang lead scientist na si Dra. Marilyn Quimado ng University of the Philippines. Pasasalamat din kay Augustine Doronila ng University of Melbourne, co-author ng research paper.