PAG manalo sa pandaraya at pamimili ng boto mula sa nakaw na yaman si Marcos Jr., ano ang magiging pagtrato niya sa media?
At yan ay kung hindi makikialam ang Amerika.
Eto ang mga scenario ko riyan.
Scenario 1: Pa-cute Peg
Base ito sa mga statement niya sa media ngayong kampanyahan.
Hindi siya mag-a-appoint ng spokesman.
Haharap siya sa media.
Yan ang sinabi niya nang ma-interview siya ng CNN Philippines noong April 26.
To quote:
“Ako, palagay ko hindi ako maglalagay ng spokesman. Haharap ako sa media. I don’t understand bakit may spokesman ang presidente. Kaya naman i-explain ng presidente kahit na ano eh.”
Nagtataka rin siya kung bakit hirap daw siyang ma-ambush interview e madali lang naman daw siya maabot dahil nasa campaign siya sa mga Ka-Publiko.
To quote ulit:
“I don’t know kung bakit sinasabing that mahirap ako i-ambush interview. I’m always out in public. Pero siyempre, we are doing something else also. I don’t know why they say that because hindi naman ako pwedeng magtago. I’m always out in public.”
In short, magpapa-ambush interview siya pag winner na siya.
Pero mismong BBC correspondent sa Pilipinas na si Howard Johnson, inisnab ni Marcos Jr nang mag-ambush interview siya kay Duwag noong April 20, 2022.
Nag-viral ito at meron ng 1.6 million views, 86, 700+ likes at 36.6 retweets as of May 4.
“Mr. Marcos, can you really be a good president if you don’t answer serious questions? Can you really be a good president if you’re not doing serious interviews? Are you hiding something from the public? Are you hiding something, Mr. Marcos?” sunod-sunod na tanong ni Johnson kay Marcos Jr habang nasa crowd sa Twitter post niyang ito:
Eto ngang si Rappler reporter at NUJP Director Lian Buan, kahit iniiwasan, sige pa rin ang buntot kay Marcos Jr sa pag-asang ma-ambush interview ang sinungaling at duwag tulad noong April 29 at noong April 26 sa kanyang Twitter posts:
So Marcos Jr., sabi mo nagtataka ka at sinasabing hirap ka raw ma-interview.
Hindi ka nga halata, hindi ka halatang mapagpanggap.
Scenario 2. Choosy para cheesy
Base ito sa pagtrato niya sa media bago mag-eleksyon.
Haharap siya sa media, pipiliin ang aattend, ipapaharang at banned ang critical media.
Pipiliin niya ang mga tanong tulad ng ginawa niya sa press conference sa Cagayan de Oro City noong April 27.
Sa ibang pagkakataon, pipiliin niya ang SMNI, Manila Times, Manila Bulletin at ilang media personalities na mag-i-interview sa kanya para pwede siyang magpa-cute.
Pag hindi maiwasan at may makulit na media ang magtanong, tatawanan lang niya sabay talikod at hindi sasagutin.
Pag di ka feel, itutulak ng security at media handlers ni Marcos Jr ang mga reporter na ayaw nilang mag-cover tulad ng ginawa nila kay Lian Buan ng Rappler sa campaign niya sa Kyusi nung April 15.
Scenario 3. Crackdown sa Media
Base naman ito sa inaasal niya at history ng buong Marcos family at lodi nyang si Digong.
Hindi nya kikilalanin ang malayang pamamahayag.
Tulad ng tatay niyang diktador, mag- aalamano martial law siya sa media, magka-crackdown siya sa media sa akusasyon na mga komunista sila.
Ipatitimbog at ipakukulong ang mga pasaway na press lalo na yung mga ni-red tag. Gagawan ng patong-patong na kaso. Pitpit-bayag sa torture.
Ibig sabihin – magtataguan pung na ulit ang media vs pulis at militar tulad nung martial law.
Kilala silang kampon ng mga sinungaling kaya erase-erase ang mga sinabi niya sa scenario
1: Babaligtarin niya ang mga sinabi niya na haharap siya sa media. Hindi niya yan gagawin.
Pag manalo ang talunan, hindi pa rin marerenew ang franchise ng ABS-CBN, salamat sa Congress. Pero ang worse – pati digital space kokontrolin para harangin ang critical online news sites.
Ire-revive ang Bulshittin Today, Daily Suppress at iba pang controlled media pati ang Masagana 99 para sa troll farms.
Lalala ang online harassments at ibabalik ang “salvagings” sa panahon ng tatay na magnanakaw pero extrajudicial killings sa panahon ngayon.
Pero may matinding konsiderasyon siya bago implement yan – maaaring hindi rin siya magiging kasing malupit sa pagtrato sa media tulad ng diktador at ni PDuts dahil may image siya na poprotektahan at international pressure.
Isa pa – at mas importante – ayaw ni Uncle Sam sa Marcoses dahil babalik na naman ang alaala na iniluklok ng US si Diktador Marcos pero itinakas nung bahong-baho na ang masa.
Kaya alam ni Marcos Jr na nakabantay ang Amerika sa kanya at di niya uuliting galitin at ibalik silang pamilya sa Hawaii.
Yan ay kung papayagan ng US na manalo si Marcos Jr ha.
Therefore, bait-baitan habang nanggigigil ang ipapakitang asal ni duwag.
Gusto ba natin itong mangyari? Ang bumalik sa panahon ng martial law?
Sa mayaman at matatagumpay na karanasan sa kasaysayan, lalabanan siya ng media at ng taumbayan sa lahat ng paraan para biguing maghari-harian muli.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]