NITONG Martes nabigla ang lahat ng kandidato nang iniatras ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang re-election bid.
Medyo nakampante na ang mga wannabes para sa Malacanang nang hindi mag-file si Inday noong October 8.
Sa katunayan, itinutok nila ang kanilang pansin kay Bongbong Marcos dahil ito naman ang naging survey frontrunner noong walang Inday. Inulan siya ng black propaganda.
Kaya kung iisipin natin, parang tama na ibitin muna ang planong tumakbo sa pagkapangulo hanggang huling sandali dahil ang dumi maglaro ng mga operator ng kalaban mo.
Pero ito ba ay senyales na lumipad na ang agila ng Davao? At sino naman ang tropa niya sa kampanya?
Andaming tanong, BBM-Sara ba? O Sara-BBM siguro? Baka naman Sara-Bong Go?
Anong partido ni Sara kung tatakbo siya? PDP-Laban? Partido Reporma? Lakas-CMD?
Paano si Digong? Magkasundo na ba ulit sila ni Sara?
Pero ang isang tanong na hindi nila tinatanong sa kasalukuyan ay kung ayaw na ba ni Sara sa politika.
Baka naman kaya siya umatras sa Davao ay dahil aatras na talaga ang kanyang ama sa politika.
Naisip ko lang, wala lang kasing nagtatanong eh.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]