DAHIL sa panahon ng pandemya marami ang nawalan ng trabaho o kaya naman ay bumagsak ang negosyo.
Sa ganitong panahon kanya-kanya tayo ng diskarte para maitawid ang pang araw-araw na mga gastusin.
Pahabaan na lamang ng pisi ika nga.
Kung ang mga ordinaryong mamamayan ay umaaray na dahil apektado ang kanilang kita ganun din pala ang mga mayayaman na may-ari ng mga negosyo. Yes, silang mga bilyonaryo.
Kamakailan ay naging laman ng mga balita ang isyu sa isang negosyo na sinasabing nakapasok sa gobyerno noong nakalipas na administrasyon dahil sa impluwensa ng isang super-rich na businessman.
Nakakuha sila ng multi-billion-peso deal sa gobyerno ng mga panahong iyun at dahil na-extend ang kanilang kontrata kaya tuloy pa rin ang negosyo hanggang sa ngayon.
Under review ng kasalukuyang pamahalaan ang nasabing mahiwagang kontrata.
Pero kamakailan ay tila sinumpong ng ugaling senyorito ang ating bida at ginulo niya pati ang mga kasosyo sa negosyo.
Sa tingin ng aking spotter, gusto ng super-yamang businessman na magkaroon pa ng mas mataas na share sa kanilang kontrata sa gobyerno lalo’t natabunan ang kanilang angkan ng ibang apelyido kung payamanan rin lang naman ang pag-uusapan.
Kilalang maluho, may masamang bisyo at tamad sa trabaho ang negosyanteng ito pero dahil sa dami ng kanilang mga mahuhusay na “economic partners” bukod pa sa kanyang minanang kayamanan ay hindi halata na kung minsan ay pino-problema rin niya ang cash flow sa sariling bulsa.
Si businessman ang sinasabing nasa likod ng isang “special ops” para siraan ang mga partner sa negosyo.
Sa huli pare-pareho silang apektado dahil sinabi ng aking spotter na anytime ay nakahanda na ring magsalita ang mga kasama sa negosyo ni Sir para magka-alaman na raw kung paano nila naselyuhan ang isang kontrata na balot ng anumalya sa gobyerno noong nakalipas na administrasyon.
Abangan ang mga susunod na kabanata.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]