Covid patient ni-rape sa isolation facility

INIIMBESTIGAHAN ng mga otoridad ang umano’y panggagahasa sa babaeng positibo sa Covid-19 sa isang isolation facility sa Legazpi City, Albay.


Ayon sa ulat, ni-rape umano ang biktima ng isang lalaking Covid patient din matapos makipag-inuman ang huli sa Ilan pa nilang kasama sa pasilidad.


Naganap ang insidente sa loob ng toilet.


Napag-alaman na dinakip na ang suspek at sinampahan na ng reklamo ng biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya kung paano nagawang makapag-inuman ng mga pasyente sa isolation facility.


Ayon sa lokal na pamahalaan, nakapagtataka na sobrang luwag ng seguridad sa lugar. –A. Mae Rodriguez