(OPINION)
Very inspiring ang sinimulan a few days ago na community pantry concept ni Ms. Ana Patricia Non ngayong umiigting ang economic crisis sa bansa dulot ng pandemya. If I am not mistaken, nauna nang namigay ng libreng grocery items at pagkain ang religious group na Members of the Church of God International sa ilang lugar sa Metro Manila. Meron din ganito na konsepto sa ilang probinsiya na sinasabit sa kanilang bakuran ang sobrang prutas o gulay na naharvest.
Ang community pantry naman ay nagsimula sa isang bahagi ng Maginhawa Street sa Diliman, Quezon City kung saan nag-iiwan ng pagkain ang mga may kayang magbigay batay sa kanyang kakayahan at maaring kumuha ang sinuman ayon sa kanyang pangangailangan. Nakakawala ng stress ang mga nakikita natin sa mga social media — ang ilang mga kababayan natin na bitbit ang iba’t ibang klase ng pagkain, gulay, at mga gamot at inilalagay sa pantry.
Habang ang mga nangangailangan naman ay pumipila at kumukuha ayon sa kailangan nila.
The “give what you can, get what you need” concept ng community pantry and the free grocery of MCGI are offshoot of Filipino bayanihan spirit emerging while we are in this crisis. Ang pagtutulungan na ito ay nagpapakita ng kakulangan ng gobyernong lokal at nasyonal na pakainin ang kanyang mamamayan.
It’s high time to take matters into our hands in helping one another and lifting up the poor.
Tayo-tayo na lang.
Diskartehan na natin ito at wag nang umasa sa lideratong tila sumuko na sa giyera laban sa coronavirus pandemic. I ardently hope that the community pantry won’t be politicized and exploited by some individuals and partisan interest groups for their own agenda.
Once it is politicized and polluted, maraming mga kababayan natin ang mate-turn off at hindi na magpa-participate.
Sana hayaan na lang natin na magdevelop ang bayanihan community pantry naturally.
Community pantry padamihin!