BBM ‘pressured’ sa unang SONA

MALAKAS ang mga pressure para kay Pangulong Bongbong Marcos na maging tama at katanggap-tanggap ang kanyang mga sasabihin ngayong araw sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address.

He impressed us with his inaugural address but the SONA is a different ballgame, ‘ika nga.

Una, nais malaman ng nakararami kung ano ang kanyang pananaw at kung naiintindihan ba nya ang mga ugat ng mga nangyayari at issues sa bansa natin. And then, ano ang kanyang strategies sa mga ito.

Asahan na natin na maraming hindi matutuwa o masasatisfy sa kanyang mga sasabihin, at gagawing dahilan ito ng ilan bilang basehan ng kanilang mga negatibong tindig at pananaw.

Meron naman may magkakagusto at lalong lalalim ang kanilang paniniwala at suporta.

Pressured si PBBM kung tama ba ang kanyang mga pananaw at mga stratehiya dito at patas ba ang kiling ng mga polisiya at programa na kanyang babanggitin. Kapag laban sa mga mayayaman, magagalit ang mga mayayaman sa kanya. Kapag laban naman sa mga mahihirap, magagalit naman ang mga ito.

Aalma din ang mga middle class kapag hindi nabanggit o nabigyang tuon ang kanilang inaasahang marinig sa pangulo.

Malawak at malalim ang problema ng bansa kung kaya’t nanganak nang nanganak at nagsanga-sanga na ang problema dahil sa mga kapabayaan, graft and corruption at incompetence ng mga nakaraang pangulo at mga liderato.

Nagpatong-patong na kumbaga ang problema at nagkabuhol-buhol na parang mga hibla ng kulot na buhok na nasa sako.

Dalawang bagay sa nakikita ko ang maari nyang gawin. Una, concentrate on what he thinks he is best at doing. Second, utilize, empower and push hard government institutions including local government units to perform their respective mandates.

Mukhang may gusto siyang gawin with regards to food and human security aspects ng bansa. Ganun din sa ‘build, build, build’ program.

Gawin nya yun. Pero dapat meron siyang latigo lalo para sa mga local and national chief executives upang kumilos at magserbisyo nang mabilis at nang tama.

Suggestions lamang po yan mula sa aking combined na mga munting experiences sa labor movement at pakikisalamuha sa Executive at Legislative departments.

Anyway, pakinggan natin kung ano ang kanyang sasabihin mamaya.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]