Zubiri nahalal bilang bagong pangulo ng Senado

PORMAL nang nakapanumpa si Senador Juan Miguel Zubiri bilang bagong pangulo ng Senado sa pagbubukas ng ika-19 Kongreso ngayong araw, Hulyo 25.

Mayorya ng mga senador ang bumoto kay Zubiri. Siya ay unang inihalal nina Senador Jinggoy Estrada, Grace Poe, JV Ejercito at Joel Villanueva.

Bago ang kanyang panunumpa bilang Senate President, nauna muna siyang naging Senate Majority Leader noong nakaraang Kongreso.

Reelected si Zubiri nitong nakaraang halalan, at matapos manalo ay isa ang pangalan niya sa kaagad na lumutang bilang kandidato para lider ng Senado, kabilang na rin si Senador Cynthia Villar.