PANADALIANG good news lamang ang P33 daily wage increase order ng NCR wage board at P55 naman sa Western Visayas dahil bukas at sa mga susunod na mga araw malulusaw din ang mga ito at magiging balewala dahil tataas na naman ang mga bilihin at serbisyo.
Inaprubahan na naman kasi ng Department of Trade and Industry ang pagtaas na naman ng presyo ng mga basic commodities at pagsipa na naman ang halaga ng mga serbisyo at ipatupad ang mganito this week.
Kung kaya’t ang maliit at kapiranggot na dagdag sahod na ito ng NCR at Region 6 wage boards ay nagpapakitang pino-promote ng board at ng DOLE ang cheap labor o mababang sahod dito sa bansa upang magarantiya ang profit ng mga negosyante at makapag-attract ng mga investors na pamuhunan dito sa bansa.
Bukod sa pagpromote ng cheap labor, obsolete at irrelevant na rin ang mga wage boards natin kung kayat dapat nang amyendahan ang 33-taon na batas na Wage Rationalization Act of 1989 dahil sa napakabagal at napakakupad na nitong paglabas ng wage increase orders. Hindi rin nagampanan ng wage boards ang mandato nila sa batas na dapat silang magtakda ng ‘living wage’ o sahod na nakabubuhay para sa mga manggagawa.
Ang kasalukuyang formula sa pagtatakda ng minimum wage ay palakasan ng boses at paramihan ng boto.
Kapag sinabi kasi ng mga business owners na bente pesos lang, halimbawa, ang idadagdag na sahod, napupunta sa deadlock dahil kokontrahin ng mga ito ng labor representatives sa wage board. Kapag nagka-deadlock, mapupunta sa botohan ang desisyon kung magkano ang itataas na sahod.
Kaya dapat baguhin na ang formula na ito at palitan ng data- and evidence-based formula in determining the wage increase rate.
Dapat na rin gawin na iisang wage board na lang ang magdedetermine kung magkano ang sahod sa buong 17 regions ng bansa at alisin na ang mga provinicial rates.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]