Yulo wagi ng 3 ginto sa Hanoi SEA Games

TATLONG ginto agad ang naibulsa ng Pinoy gymnastics star na si Carlos Yulo nang idomina nito ang mga laban sa floor exercise mula ng Biyernes hanggang Linggo, sa isinasagawang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam,

Tinalo ni Yulo ang dalawang atleta mula sa host country nitong Linggo sa floor exercise.

Ngayong araw ay tatlo pang ginto ang tatangkain niyang sungkitin para sa mga larong high bar, parallel bar at vault.