ALL systems go na ang civilian flotilla na maglalayag malapit sa Ayungin (Second Thomas Shoal) kung saan naka-istasyon ang BRP Sierra Madre at sa Pag-asa community ngayong December 10.
Ang Christmas Sea Caravan ng may 40 motor boats kasama ang mothership, ay magdadala ng mga Pamaskong Handog tulad ng groceries, medicines at iba pang basic supplies sa mga sundalo at may 400 residente ng Pag-asa (Thitu) Island community sa Spratly Island group.
Sa interview ng ANC News nung Sunday kay Ka Ed dela Torre, presidente ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at co-convenor ng Atin Ito Coalition, nilinaw niya na ang Christmas Sea Convoy ay “mobilization of goodwill for expressing solidarity with our frontliners.”
Heartwarming ang Christmas Sea Caravan dahil misyon nito na pataasin ang morale ng military frontliners at Pag-asa community, madama nila na hindi sila nag-iisa sa laban ng bansa sa West Philippine Sea, maipakita sa kanila ang malakas na suporta ng taumbayan sa kanila, at mapalitan ng mga ngiti ang kanilang mga pangamba sa kinabukasan.
Paliwanag ni Ka Ed, ” the main message is combination of well, this is ours, Atin ito nga e. But more importantly, the responsibility is not just on the side of the government, the citizens must do what we can.”
Ibig sabihin, ang Christmas Sea Caravan ay pagpapakita ng bibihirang pagkakaisa at pagdadamayan ng mga grupo na may iba-ibang paniniwalang pulitikal, sa isang banda, at ng gobyerno ng Pilipinas kasama ang Philippine Coast Guard at military, sa kabilang banda.
Alam naman natin na ang mga aktibista at gobyerno ay parating nagbabanggaan sa pananaw sa mga bagay-bagay, approaches sa mga isyu, at actual na paglutas ng mga problema ng mga bansa.
Pero hindi tulad ng Chinese military action, ang Christmas Sea Caravan ay – citizen action, citizen initiative – hindi government plan, paniwalaan man ito o hindi ng China, na nabubuhay sa desperado niyang mga guni-guni sa interstellar space.
Pag nagkataon, tatatak ito sa world history bilang kauna-unahang organisadong pagkilos mismo ng taumbayan laban sa Chinese aggression na kadalasang militar ang humaharap.
People power claiming ownership sa West Philippine Sea kumbaga sa figure of speech, ay magpapalubog sa mga armadong sasakyang dagat, gigising at lulunod sa mga pagpapanggap ng Chinese aggressors.
Bayanihan at its peak.
Paniwala ko, higit pa sa pagiging makasaysayan ng Christmas Sea Caravan, ang citizen action na ito ay dambuhalang tsunami ng sambayanang Pilipino na hahambalos at gigising sa nawiwindang na kamalayan ng dating hardline communist-turned-imperialist country ng mundo, so to speak.
Kung paano naging milestone at naging inspirasyon ang EDSA People Power Revolution sa restoration ng maraming democracies sa buong mundo, ang Christmas Sea Caravan na ito (harinawa ay magtagumpay) ay siguradong maging panibagong milestone at mitsa na magpapasimula at mag-i-inspire ng maraming civilian engagements hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na may kaparehong situwasyon.
Gusto kong maging game changer ito sa agresibong panghihimasok ng superpowers sa international boundaries maski merong final arbitral ruling, sa kaso ng Pilipinas vs China.
Kaya please lang, hindi dapat sabihing disputed ang mga tubig, buhangin at bato-batong isla na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, dahil meron na ngang international court decision dyan.
Interesting lang isipin na tulad ng nakwento sa akin ni Ka Ed, first time ito na maritime landscape ang labanan, hindi sa bundok o sa Mendiola, at hindi local government unit, korte o gobyerno ng Pilipinas ang kalaban, kundi foreign bully – China.
Panibago nga namang pakikibaka ito ng taumbayan, literal sa karagatan, pag-angkin sa ating Exclusive Economic Zone, sa ating kabuhayan, bagong karanasan, bagong mga matutunan.
Nakatingin at nakabantay ang buong mundo sa kakaiba at panibagong kilos na ito ng mga Pilipino laban sa Chinese aggressors.
Pinaka-importante, nasa Pilipinas ang suporta ng buong mundo na pinatibay ng 2016 arbitral ruling.
Kaya matindi ang international pressure sa China dahil nasusubaybayan ng lahat ang dangerous moves ng Beijing.
International pressure ang tanikala at konsensya na magpipigil sa China para gumawa ng karahasan laban sa unarmed, innocent citizens na baon lang ang Christmas love at gusto lang pasayahin ang Pasko ng mga kapuwa Pilipino.
Nasa high legal and moral grounds ang Pilipinas sa labang ito. Kaya genuine happiness ang peg ng event.
Dahil dito, dapat lang na Pilipinas ang namumuno sa pagtataguyod ng rules-based order pagdating sa international maritime issues.
Capture the conjuncture.