Bus nahulog sa bangin sa Antique, 25 patay

NASAWI ang 25 katao matapos mahulog sa bangin ang bus na kanilang sinasakyan sa bayan ng Hamtic, Antique nitong Martes, Disyembre 5.

Ayon sa paunang ulat, may 50 katao ang sakay ng Ceres bus galing Iloilo City at patungong Culasi town sa lalawigan ng Antique nang mangyari ang aksidente alas-4:30 ng hapon.

Nagkaroon umano ng problema ang brake ng bus (No. 6289) dahilan para malaglag ito sa bangin.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Antique Governor Rhodora Cadiao at tiniyak sa pamilya ng mga biktima na tutulungan ang mga ito.

“For the families, it’s not right for me to say ‘don’t worry’. But we’d like to assure you that whatever hospitalization, medicines, and what they need we will take care of that. Di kamo magkabalaka (Do not worry),” pahayag ni Cadiao.

Bibigyan din ng funeral assistance ang pamilya ng mga nasawing pasahero.