ANG gobyerno ba ng Israel ang makabagong NAZI at si Prime Minister Benjamin Netanyahu na ba ang Adolf Hitler ng kasalukuyang panahon?
As of January 9, 2024, umakyat na sa 23,210 ang namatay sa Israel Siege sa Gaza Strip, ayon sa Gaza Health Ministry.
Tinatayang 9,600 dito ay mga inosenteng bata at halos 59,000 naman ang sugatan.
Ito’y mula nang nagwawalang gumanti ang Israel matapos itong salakayin ng Hamas, October 7 nung isang taon, kung saan namatay ang 1,139 at dinukot ang 242.
Walang-wala nga naman ito sa nakapaninindig- balahibong six million European Jews at five million Soviet prisoners of war (POWs), Romany, Jehovah’s Witnesses, homosexuals at iba pa na pinagpapatay noon ng NAZI Germany.
Sila ang mga biktima ng Holocaust – ang sistematikong state-sponsored na pagpatay nina Adolf Hitler at iba pang kasabwat na bansa sa Jews nung World War II, o mula 1941-1945.
Pero bukod sa pambobomba ng Israel Defense Forces (IDF) sa mga hinihinalang base at taguan ng Hamas, patuloy na nagkandamatay ang mga Palestino.
Mula kasi nang nagwagi ang Hamas sa Gaza, kinontrol na ng Israel ang air space at territorial waters doon, nagpatupad ng coded alarm system, nag-deploy ng sophisticated Iron Dome missile shield at nagpatayo ng high tech fence sa Gaza border.
Pinakamalala rito, nagpatupad ng economic blockade ang Israel sa Gaza, hinigpitan ang galawan ng mga tao at produkto na naglalabas-masok sa Strip.
At nang lumusob nga ang Hamas, lalo pang ginugutom, pinagkakaitan ng tubig at pinuputulan kuryente ng Israel ang target regions na sentro ng civilian population.
Binobobomba mga ospital, pati humanitarian missions ay ginigipit at napapatay.
Sa account ng Committee to Protect Journalists as of January 9, dumami pa sa 79 journalists at media workers ang napatay at pinatay.
Pinaniniwalaang ito ay para itago ang brutalidad ng Israel Siege sa Gaza sa kaalaman ng buong mundo at kinukondina ng buong mundo.
Binabayo ng IDF ng bomba ang civilian areas para mapilitan silang lumikas para ma-isolate at malantad ang mga pwersa ng Hamas o Harakat al-Muqawama al-Islamiya (Islamic Resistance Movement) at mawalan ng cover at support.
Wala mang concentration camps tulad nung Holocaust, ginawa namang concentration camp ang buong Gaza Strip.
At wala mang gas chambers tulad ng sa Holocaust, nagpakawala naman ang Israel ng chemical bombs na white phosphorous, ayon sa imbestigasyon ng Human Rights Watch.
Ang white phosphorous ay nag-aapoy sa ere at lumilikha ng makapal na usok para koberan ang pagsalakay ng IDF.
Ginagamit ang White Phosphorous sa paggawa ng cleaning compounds, fertilizers at food additives.
Sa report ng Al-Jazeera nitong December 29, inamin ng isang Israeli official na gumagamit ang IDF ng “inappropriate munitions” nang atakihin nila ang Maghazi Refugee Camp.
Sa exclusive report naman ng CNN, December 14, ayon sa assessment ng Office of the Director of National Intelligence, nagpakawala ang Israel ng may 45% o 13,500 ng 29,000 “dumb bombs”.
Ito ang unguided air-to-ground munitions o bomba na ibinabagsak nang walang kalkuladong target.
Ibig sabihin, kahit saang lugar o anumang bagay, tao o hayop ay pwedeng bagsakan, kaya mas malaki ang chances na tumama sa civilian population.
Nagpadala rin ang US ng BLU-109 na mga bomba para mapasok ang matitibay na istruktura bago sumabog at – 15,000 bombs at 57,000 (155mm) artillery shells. US din ang nag-supply ng 5,000 unguided MK-82 bombs, mahigit 5,400 MK-84 bombs, at 1,000 GBU-39 small-diameter bombs.
Sa imbestigasyon naman ng Amnesty International na inilabas December 5, nadiskubreng ilegal na binomba ng IDF ang dalawang bahay na puno ng civilian sa Gaza nung October.
Agad na namatay ang 43 myembro ng dalawang pamilya. Ang bomba ay US-made Joint Attack Munitions (JDAM).
Merong 3,000 JDAMs ang Israel – isang guidance kit na gumagamit ng Global Positioning System (GPS) para gawing guided bomb and unguided bomb o “dumb bomb”.
Kaya habang tumatagal ang Israel Siege ng Gaza, nabubuo ang anino na hugis Holocaust sa likod ng kampanya ni Netanyahu na burahin sa mapa ang Palestine.Bago pa man tuluyang mapulbos ang buong Gaza, umaksyon na ang South Africa.
Nagsampa sila sa International Court of Justice (ICJ) o World Court ng kasong genocide laban sa Israel, December 29.
Ang ICJ ay civil tribunal at judicial organ ng United Nations na dumidinig sa mga sigalot ng mga bansa at binding, o obligadong sundin ng mga bansa ang desisyon nito bagaman wala itong enforcement powers.
Kakaiba ito sa International Criminal Court na hiwalay sa UN, binding ang decisions sa mga bansang myembro at lumilitis naman sa mga indibiduwal na guilty sa mga halimaw at karumal-dumal na krimen tulad ng genocide, war crimes at crimes against humanity na isinampa laban kay Digong Duterte at mga kasabwat kasama na si Sara Duterte, Bato dela Rosa at iba pa.
Ang ICC ay walang sariling police force para magpatupad ng desisyon kaya umaasa ito sa kooperasyon ng member countries para mag-aresto ng mga kinasuhan.
Base sa karanasan ng human rights lawyer at propesor ng international law na nagsampa ng kaso, malaki ang posibilidad na paboran ang hiling na pigilan ang patuloy na pambobomba sa Gaza lalo na’t napapatay nito ang mga sibilyan at winawasak ang malaking parte ng isang bansa tulad ng Gaza.Sa interview ng Democracy Now, January 2, naniniwala si Prof Francis Boyle ng University of Illinois College of Law,
mananalo ang South Africa sa hiling na agad ideklara na lumabag ang Israel sa Genocide Convention at ipatigil sa pamamagitan ng Cease and Desist Order ang genocide ng Israel.
Pag nagdesisyon pabor sa request, masusing aalamin kung meron ngang matibay na basehan ang kasong genocide saka ito ipoproseso.
Isang implikasyon nito ayon kay Boyle, makukundina ang US na kasabwat sa genocide.Ang gagawin ng South Africa is dadalhin ang kautusan ng ICJ sa Security Council para ito ay ipatupad.
Pag halimbawa ay nag-veto o hinarang ng US, na inaasahan naman, saka ito ilalapit sa UN General Assembly.
Pag inaprubahan ng UNGA, magiging mas mabigat na dagok ito at lalong dudurog sa Israel.Inaasahang magpapatawag ng pagdinig para sa requests na ito ng South Africa ang ICJ sa January 11 at 12.
Take note, ang desisyon na gagawin ng ICJ ay para pigilan ang patuloy na military aggression sa kapuwa partido sa Genocide Convention.
Hindi pa ito decision kung guilty nga ang Israel (at US) sa kasong genocide.
Abangan ang susunod na kabanata.