Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nang ruling ng Court of Appeals na hindi dapat agad magpuputol ng koneksyon ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).
Ayon sa desisyon ng Korte nitong Biyernes, kailangan magbigay muna ng abiso ang Meralco sa puputulan, at dapat itong gawin sa pamamagitan ng sulat sa loob ng 48-oras bago ang aktwal na diskoneksyon.
Nauna nang nagdesisyon ang CA laban sa Meralco dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 7832, o ang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Bunsod ito sa pamumutol ng koneksyon ng kuryente ng isang consumer ng wala man lang abiso.
Dahil sa desisyong ito, nag-apela ang Meralco sa SC, ngunit ibinasura lang ito.
Sa ruling ng Korte Suprema, sinabi nito na maaaring mamutol ng koneksyon ang Meralco ngunit kailangan nitong abisuhan muna ang kostumer.
“Thus, the act of Meralco in cutting off the respondent’s electricity on the same day the disconnection notice was given to the consumer was violative of due process requirements,” ayon sa Korte.