Swerte naman: P366.6M Ultra Lotto jackpot nasungkit sa Nueva Ecija

ISANG mananaya mula sa Nueva Ecija ang naka-jackpot ng mahigit P366 milyon mula sa Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi.

Nasungkit ang jackpot na nagkakahalaga ng P366,687,465.20 ng mananaya ng tayaan nito ang winning numbers na 43-58-37-47-27-17. Tumaya ito sa San Roque bayan ng Cabiao.

Maaari niyang makuha ang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City, sa loob ng isang taon.

Samantala, 92 mananaya naman ang nanalo ng tig- PHP120,000 matapos tamaan ang limang numero. Tatanggap naman ng tig-P2,000 ang 3,793 mananaya na nakatumpak ng apat na numero.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.