Sekyu sinabuyan ng asido sa mukha

ITINAKBO sa pagamutan ang lady guard na sinabuyan ng asido sa mukha habang nakabantay sa harap ng subdivision sa Las Piñas City kamakailan.

Ayon sa ulat, nagtamo ng sunog sa mukha ang hindi pinangalanang biktima.

Nanganganib din itong mabulag dahil napuruhan ng asido ang kanyang mga mata.

Hindi naman namukhaan ng biktima ang suspek dahil sa bilis ng pangyayari.

Napag-alaman na nakaupo sa guard house ang biktima nang lapitan at sabuyan ito ng asido ng isang lalaki.

Bago pa naka-react ang biktima ay mabilis na naglakad palayo ang suspek.

Giit ng biktima, wala siyang alam na dahilan para atakihin ng suspek.