ITINANGGI ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na ang mga tauhan niya ang nasa likod ng pagre-red tag online sa ilang mga indibidwal at grupo.
“Wala naman talaga tayong ginagawang red-tagging,” ani Eleazar nang tanungin ukol sa ilang police station na pino-post sa kanilang social media accounts ang pangalan ng ilang grupo na may koneksyon umano sa mga terorista.
“Kung tutuusin ‘di ba ‘yan namang ‘yung pag-identify dito sa mga sinasabing mga grupong ito ay mismong kanilang pinuno ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) ang nagsabi na iyon ‘yung mga front organization nila,” ipinunto ni Eleazar.
Gayunman, sinabi ng opisyal na pinaalalahanan nila ang police station na maging maingat sa pino-post sa social media upang hindi ma-misinterpret ng publiko.
“Sa amin po sa aming kapulisan, paulit-ulit na sinasabihang mag-ingat sa pagpo-post nitong mga ito dahil laging nami-misinterpret siya,” aniya.