SIMULA sa Sabado ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga na ang curfew hours sa Metro Manila.
Kahapon ay nagkasundo ang 17 alkalde ng National Capital Region na magpatupad ng bagong unified curfew hours.
“All local chief executives in Metro Manila have agreed to enact their respective Executive Orders and/or adopt their respective Ordinances for the proper implementation of the standardized and unified curfew hours,” ayon sa Resolution 21-09 Series of 2021 ng Metro Manila Council.
Nang pairalin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila noong nakaraang buwan ay ipinatutupad ang alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga na curfew hours, na epektibo hanggang sa Biyernes.