MANANATILI pansamantala sa P9 ang minimum na pamasahe sa mga pampublikong jeep, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kabila ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.
Gayunman, ang petisyon na itaas ang pasahe sa P10 sa Metro Manila, Region 3 at Region 4 ay dedesisyunan na.
Una nang hiniling ng mga transport group na itaas ang pasahe sa P15 dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel na siyang gamit sa mga jeepney.
“As a result of the said hearing, the Board, through Chairman Martin B. Delgra III, manifested that the request for the grant of provisional adjustment to increase the minimum fare for PUJ service from P9.00 to P10.00 is now submitted for resolution by the Board,” ayon sa kalatas ng LTFRB.