NANGGAGALAITI sa social media ang isang magulang sa Jollibee outlet na nag-cater sa Christmas party ng mga mag-aaral ng De Castro Elementary School sa Pasig City.
Ayon sa hindi kinalalang nagrereklamo, panis ang spaghetti na naibigay sa kanyang dalawang anak.
“Shoutout sa jollibee na nag cater sa De Castro Elementary School, kung di nyo kaya yung volume of orders sana humingi kayo ng tulong sa ibang branch, hindi yung ipeprepare nyo ng maaga yung product ma target nyo lang yung bilang ng order,” sabi niya.
“Kaya yung spaghetti ng 2 ko anak panis parehas pati yung ibang magulang nagrereklamo!!!” dagdag niya.
Sinabi ng magulang na naipaalam na niya sa pamunuan ng Jollibee ang pangyayari.
“Sa lahat po ng magulang na naka encounter neto hayaan naten makarating ito sa main office ng JFC kasi hindi biro ang food poisoning lalo bata ang involved dito. Send an email to [email protected] for complain,” aniya.