HINIKAYAT ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang PUBLIKO na gumamit ng online payment para makaiwas sa fake delivery bookings.
“Well, dito ho ay actually amin hong in-eencourage ang online payment para talagang maiwasan itong mga fake bookings, ibig sabihin para yung bibilhin ay siguradong mababayaran,” ayon kay Lopez.
Ginawa ni Lopez ang pahayag matapos mapabalita na marami ang nag-oorder ng pagkain online ngunit pagdating sa lugar kung saan dapat ito ideliver ay wala nang magbabayad ng pagkain.
Bukod dito, isinusulong din anya ng kanilang departamento ang pagpaparehistro ng mga sim cards para madaling ma-trace ang mga bogus buyer.
“Pangalawa isa ring panukala natin ey itong registration nung mga cellphone cards, ‘yung mga sim card para talagang may traceability kung sino ho ‘yung may intention o ‘yung mga naglilinlang o nanloloko dito ho sa mga online transaction na ito,” paliwanag pa ng opisyal.
Ayon pa sa kanya, kawawa ang mga small business na ito kung magpapatuloy ang mga ganitong scam.