1.5M naging jobless sa ECQ

UMABOT sa 1.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa dalawang-linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.


Ani Trade Secretary Ramon Lopez, bumaba naman ang bilang ng jobless nang pairalin ang modified enhanced commnity quarantine (MECQ).


“Nakabalik na sa trabaho ang kalahating milyon dahil sa pagbubukas ng negosyo,” aniya.


Umaasa naman si Lopez na makababalik din ang isang milyong manggagawang nawalan ng trabaho kapag isinailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.