NIYANIG ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito ng magnitude 5.3 na lindol ngayong alas-5:12 ng hapon, Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang lindol na may lalim na 99 kilometro ay naitala 24 kilometro ng Calatagan, Batangas. Inaasahan naman ang mga intensity sa mga apektadong lugar.
Naitala ang Intensity 3 sa Quezon City at Intensity 2 naman sa San Felipe, Zambales.
Nairekored din ang Intensity 1 sa ilang bahagi ng Quezon City, Tagaytay City, Batangas City at Calatagan sa Batangas.