Bella Padilla hindi buntis

NILINAW ng aktres na si Bela Padilla na hindi siya buntis taliwas sa kumakalat na balita na kaya siya umalis ng bansa ay dahil nagdadalang-tao siya.

Chika niya, kaya siya lumipat ng London ay para i-enjoy ang kanyang buhay.

“I’m not pregnant. I’m just enjoying my life. Not everyone who moves to a different country is pregnant. Sometimes, you know, people like me, we just want to come here to live. Some just have dreams, and want to explore a different parts of the world,” chika ni Bela sa kanyang vlog.

Half British si Bela kaya naman pwede siyang tumira sa London kung bet niya.

Sinabi rin ni Bela na hindi pa sila nagli-live-in ng kanyang boyfriend na si Norman. Babalik din si Bela sa Pilipinas para i-promote ang kanyang movie at sa ngayon ay gumagawa siya ng script para sa isang project.