ININSPEKSYON ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang bodega ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City para matiyak ang suplay ng P25 kada kilo na bigas sa mga Kadiwa ng Pasko centers.
“May nagtanong nung nasa ano tayo, nung nasa Quezon City tayo, ‘yung supply ng Kadiwa ay baka mapatid, baka magkulang. Kaya’t tinitingnan ko kung saan manggagaling ‘yung supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So pinuntahan ko na muna. Mukhang may laman naman ‘yung mga warehouse at mayroong parating pa nga,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na inaasahan niyang tuloy-tuloy na ang suplay ng bigas sa mga Kadiwa ng Pasko outlet.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas. So tuloy-tuloy na siguro ito kaya’t para naman natitiyak natin na ‘yung Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili… at a good price, ‘yan yung 25 pesos,” dagdag ni Marcos.