Maraming pagkain, huwag mag-panic buying–DTI


SINIGURADO ng Department of Trade and Industry ang publiko na may sapat na suplay ng pagkain kapag ipinairal na ang enhanced community quarantine simula sa Agosto 6.


Ani Trade Secretary Ramon Lopez, hindi kailangan mag-panic buying dahil papayagan namang lumabas at bumili ng pagkain.


“Puwede naman lumabas ‘yung bibili, lalo na ng pagkain at groceries. Allowed naman ‘yan,” ani Lopez.


“At isa pa, hindi dapat mag-alala na baka maubusan ng stocks. Hindi po, sobrang dami ng pagkain,” dagdag ng opisyal.


Mula Agosto 6 hanggang 20 ay isasailalim sa pinakamahigpit na quarantine status ang Metro Manila.