PORMAL binuksang muli sa publiko ang Manila Zoo nitong Lunes, Nobyembre 21, matapos itong sumailalim sa rehabilitasyon.
Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng zoo matapos isara ito noong panahon ng dating alkalde na si Isko Moreno para ito ay ayusin.
Ayon sa anunsyo, bukas ang zoo araw-araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Medyo may kamakahalan lang din ang ticket lalo na kung hindi ka taga-Maynila. Para sa Manila residents, P150 ang ticket at kung taga ibang lugar ka naman, kailangan mo magbayad ng doble.
May diskwento naman kung ikaw ay estudyante: P100 kung taga-Maynila at P200 naman kung hindi.
Wala namang bayad ang mga batang may edad dalawa pababa.
Take note din: Bawal magdala ng pagkain sa loob ng zoo at mga laruan!
Umabot sa P1.74 bilyon ang ginastos ng lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng zoo na nag-o-offer ng mga bagong atraksyon gaya ng African lion, white bengal tiger, lesser white egret, Indian blue peafowl, multicolored stored stork, at Philippine dear.