NANAWAGAN ang Palasyo sa mga jeepney driver na huwag nang ituloy ang bantang tigil pasada sa harap ng bigtime na pagtaas sa presyo ng mga produktong petroloyo. “Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” sabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar. Tataas ang presyo ng kada litro ng diesel ng P6.55, samantalang P2.70 naman kada litro sa presyo ng gasolina at P5.45 naman sa presyo ng kerosene. “Ginagawa ng inyong pamahalaan ang makakaya upang tulungan ang mga tsuper at mga operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis,” giit ni Andanar Aniya, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan kung saan 180,000 na ang nabigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.