Driver ng SUV na sumagasa sa sekyu tukoy na

NATUKOY na ng pulisya ang driver ng SUV na bumundol at sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City nitong Linggo.

Gayunman, hindi nagbigay ng detalye si Mandaluyong police chief Col. Gauvin Unos hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek, na sasampahan ng kasong frustrated murder.

Samantala ang guwardya na sinagasaan na nakilalang si Christian Floralde ay nasa ospital pa rin at patuloy na nilalapatan ng lunas.

Sa video na nag-trending, kitang-kita na binundol ang biktima ng puting Toyota RAV 4 na may plakang NCO 3781 at saka sinagasaan.

Samantala, naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office laban sa driver, na inatasang humarap sa investigation division sa Martes, Hunyo 7, ala-1 ng hapon.

Suspendido rin ng 90 araw ang lisensiya ng nakasagasa.