Opisyal nang bubuksan ang extension ng LRT-2 sa darating na ika-5 ng Hulyo, matapos maantala ang pagbubukas nito noong nakaraang buwan.
Sa idinaos na inagurasyon ng pagbubukas ng LRT-2 extension kamakailan, inirekomenda mismo ni Pangulng Duterte sa Department of Transportation ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuters sa unang dalawang Linggo ng operasyon.
Ang mga commuter mula sa istasyon ng Santolan hanggang Antipolo at vice versa ay
pagkakalooban ng libreng sakay.
Simula Lunes, ang mga commuter ng LRT-2 na patungo sa Pasig, Marikina, at Antipolo ay
maaaring maglakbay ng komportable, maginhawa, at mas mabilis sa pamamagitan ng bagong extension ng LRT-2.
Sa mga bagong dagdag na istasyon ng Marikina-Pasig station at Antipolo station kaya nitong magsakay ng 80,000 na pasahero kada araw.