AABOT na sa 153 ang tinamaan ng paputok, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo.
Ayon sa DOH, ang kabuuang bilang ng mga pinsalang naiuugnay sa paputok ay 32 porysento na mas mataas kaysa sa 116 na kaso noong 2020.
Sinabi ng DOH sa 153 na kaso, 39 porsyento o 60 ay mula sa Metro Manila, 22 bawat isa mula sa Rehiyon I at VI, 12 mula sa Rehiyon 3, tig-anim mula sa Rehiyon V, VII, at BARMM, tig-lima mula sa Rehiyon II at Calabarzon , apat mula sa Rehiyon XII, tatlo mula sa CAR, at tig-isa mula sa Rehiyon IX at XI. Sa 153 na kaso, 113 o 74 porsyento ay mga lalaki.
Dagdag pa ng ulat, 15 kaso ang blast o burn injuries na nangangailangan ng amputation, 102 kaso ang hindi nangangailangan ng amputation, at 39 na kaso ang eye injuries.
Ang nangungunang limang uri ng paputok na nakaapekto sa mga biktima ay kwitis na mayroong 35 kaso, boga na may 15 kaso, luces na may 12 kaso, triangle na may 10 kaso habang 24 na kaso ang hindi kilalang paputok.