Libo-libo dagsa sa pantalan, bus terminal para makauwi

DAGSA na sa mga pantalan ang mga pasahero mula sa mga lalawigan patungong Metro Manila at sila na nagbakasyon sa Kamaynilaan, ngayong araw, Enero 2.

Sa report ng Philippine Coast Guard, namonitor ng kanilang tanggapan ang 7,000 pasahero ang nakaabang ngayon sa mga pantalan sa Metro Manila pauwi ng kani-kanilang lalawigan
habang nasa 6,000 naman ang pauwi ng Kamaynilaan ngayon na tapos na ang holiday season.

Ganito rin ang mga terminal ng bus sa Araneta, Cubao, kung saan, libo-libo na rin ang nakabaang para makabiyahe pabalik ng kani-kanilang lalawigan.