Pasay City mayor positive sa COVID

NAGPOSITIBO muli si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa COVID-19, ayon sa public information office ng lungsod.

Nalaman na nagpositibo ang alkalde matapos sumailalim sa RT-PCR test dahil nakararanas ng pananakit ng lalamunan noong Sabado.

Si Calixto-Rubiano, na unang tinamaan ng COVID-19 noong Pebrero 2021, ay kasalukuyang naka-isolate sa isang isolation facility sa Pasay.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung anong variant ang nakahawa sa alkalde at kung paano niya nakuha ito.

Sinabi ng PIO na magpapatuloy si Calixto-Rubiano sa kanyang trabaho habang siya ay nagpapagaling mula sa sakit.