INAPRUBAHAN Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibigay ng gratuity pay para sa contract of service (COS) and job order (JO) na empleyado ng gobyerno.
Sa pinirmahang Administrative Order No. 3 ni Marcos, makatatanggap ang mga COS at JO ng gratuity pay na P5,000 para sa mga nakapaglingkod ng apat na buwan at mahigit pa.
“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work in implementing programs, projects and activities and pivotal role in the delivery of government services amid the ongoing COVID-19 pandemic and present socio-economic challenge,” sabi ng A.O. No. 3.
Para sa mga umabot lamang ng tatlong buwan, makatatanggap sila ng P4,000; P3,000 para sa dalawang buwan at P2,000 para sa wala pang dalawang buwan.