KULUNGAN ang bagsak ng siyam na residente ng Baseco sa Port Area, Manila na gumamit umano ng pekeng ID para makakuha ng ayuda.
Ayon sa ulat, nadiskubre na palsipikado ang mga bitbit na dokumento ng mga suspek makaraan nilang hindi masagot ang middle name at birthday ng mga taong nakapangalan sa ID.
Magkakasunod sa pila ang siyam na suspek nang madakip.
Nahaharap sila sa mga reklamong estafa at falsification of documents.
Inamin ng isa sa mga suspek na pinuwersa umano siya ng hindi pinangalanang grupo na pumila kapalit ng P1,000.
Kinumpirma naman ng mga pulis na may sindikato na nasa likod ng modus.
Anila, kapag nakuha ang ayudang P4,000, mapupunta ang P1,000 sa pumila habang P3,000 ang mapupunta sa grupo.
Pinaghahanap na ang mga miyembro ng sindikato.