2 tulak todas; P210M shabu nasabat

DEAD on the spot ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa buy-bust operation sa Las Piñas kagabi.

Ayon kay National Police chief Gen. Debold Sinas, na nagtungo sa pinangyarihan ng krimen, nakuha sa mga napatay na suspek na sina Andrew Garcia at alyas Marga, kapwa taga-Las Pinas, ang 31 kilo ng shabu.

Nagpaputok umano ng baril ang mga suspek nang matunugan na pulis ang bumili sa kanila ng isang kilong shabu.

Gumanti naman ng putok ang mga nakaantabay na operatiba at napuruhan ang dalawa.

Nakuha sa mga nasawi ang 30 kilo ng shabu, sasakyan at cellphone na ginagamit sa pagbebenta ng droga, at dalawang kalibre-.45 na baril.

Inaalam pa ng pulisya kung miyembro ng sindikato ang mga napatay.