HIMAS-REHAS ang BBM vlogger na si Jhem Bayot makaraang madakip sa buy-bust operation sa Cabuyao, Laguna nitong Sabado.
Ayon sa pulisya, ginagamit ng vlogger, Jerome Zapanta Layson sa totoong buhay, bilang front sa pagbebenta ng droga ang kanyang food business.
Nasakote rin sa operasyon sa Brgy. San Isidro alas-3:10 ng umaga sina Ginalyn Pintang Benisa at Crismark Bablboa Alimagno.
Nakuha sa kanila ang ang 2.5 kilo ng high-grade marijuana na may street value na P3,750,000 at paraphernalia.
“He recruited workers for his business and later on used them as couriers and runners and they utilize a tricycle for their business which they also use for picking up and delivery of their contrabands,” ayon sa pulisya.
Dagdag ng pulisya, ibinebenta ng grupo ang droga online gamit ang mga shipping services na J&T at Lalamove.
Nago-operate umano ang mga suspek sa Laguna, Quezon at Metro Manila kung saan kumikita sila ng P4 milyon hanggang P7 milyon kada buwan.