VIRAL: Bagong P1,000 bill naiwan sa bulsa, naplantsa

TRENDING ngayon ang larawa ni Jonathan De Vera na kanyang pinost sa social media matapos isapubliko kung anong nangyari sa kanyang P1,000 polymer bill na naiwan niya sa kanyang bulsa at naplantsa.

“Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer [bill]. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko. Ito ang nangyari,” post niya sa kanyang Facebook nitong Lunes.

Humingi anya siya ng tulong sa bangko at baka mapalitan ito dahil aksidente lang naman ang nangyari.

Pero ang sabi ng bangko di pwede.

“Sadly di raw tatanggapin sa banko… Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko. Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet,” payo pa ni Jonathan.