Singil sa kuryente tataas ngayong Enero

INIHAYAG ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ang singil sa kuryente ngayong Enero ng P0.62 kada kilowatt hour.

Ayon sa Meralco, nangangahulugan na aabot na sa P10.90 ang kada kWh na konsumo mula sa dating P10.28 kada kWh.

Ibig sabihin nito, P124 ang madaragdag sa singil sa kuryente para sa mga kumukonsumo ng 200 kWh at P186 naman para sa aabot ng 300 kWh.

Samantala, tinatayang P248 ang iaakyat para sa mga aabot ng 400 kWh ang konsumo sa kuryente at P310 naman para sa 500 kWh.