Utot pinasabog sa bus; pasahero nagsipanaog

KUMARIPAS ng baba ang mga pasahero ng provincial bus nang parang bombang nagpasabog ng utot ang isa sa mga sakay.

Sa Facebook, ipinost ng isang Remi Roberto ang video ng pagbaba niya at ng ibang pasahero sa bus na patungong Taytay, Rizal.

“Kung sino man nagpaputok ng fart bomb sa loob ng bus ganda ng trip mo,” ani Roberto sa caption.

Sa background ay maririnig naman ang reklamo niya na, “Ang daming naabala.Tang-in* may nagpaputok ng fart bomb sa loob ng bus. No choice, pinababa lahat ng pasahero.”

“Lakas ng tama kung sino ‘yung nagpaputok ng fart bomb,” dagdag niya.

Muling pinasakay ang mga pasahero nang masiguro na wala nang natirang halimuyak ng utot.