Rosmar may sariling Jollibee statue

HINDI nakuntento sa kiddie meal toys, isang life-size statue ni Jollibee ang iniregalo ng beauty brand owner at social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin at mister niya sa anak nilang si Natnat.

Sa TikTok, makikitang sinasayawan muna ni Rosmar at asawang si Nathan ang estatwa bago ito ipakita sa kanilang anak.

“Ayun nga sobrang hilig sa Jollibee, at ‘yung kanyang daddy hindi siya matiis kapag nakikitang nakatanaw kay Jollibee.  May surprise raw siya kay Natnat,” sey ni Rosmar.

Ginising ni Rosmar si Natnat dahil may ipakikita raw siya rito. Agad namang tinakbo ng paslit ang higanteng bubuyog nang makita ito.

Ayon kay Rosmar, napapasigaw ang anak tuwing madadaanan ang estatwa na inilagay nila sa foyer ng kanilang bahay.