Tumanggap ng food delivery, hinuli ng tanod

NAKATAKDANG ireklamo ng isang residente ng Quezon City ang mga barangay tanod na humuli sa kanya habang kinukuha niya ang pagkain na inorder mula sa Grab delivery driver.


Ayon kay LJ Cabangis ng Brgy. Apolonio Samson, naganap ang insidente pasado alas-6 ng gabi sa harap mismo ng kanilang bahay.


Ani Cabangis, lumabas siya dahil hindi umano makita ng delivery rider ang kanilang bahay.


Sa labas ay nakita niya ang mga rumorondang tanod kaya bumalik siya sa tapat ng bahay nila.
Nagulat na lamang umano siya nang dambahin siya ng mga tanod para dalhin sa barangay hall.
“Sabi ko kukunin ko lang ‘yung delivery ko pero sabi sumama na raw ako sa kanila,” aniya.
Hirit naman ng mga opisyal ng barangay ay nilapitan nila si Cabangis dahil naghinala sila sa kilos nito.