MAKARARANAS ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Sabado matapos maging tropical storm ang dating tropical depression na si Jenny, ayon sa weather bureau.
Namataan ang bagyo alas-3 ng umaga may 1,155 km ang layo sa silangang bahagi ng Central Luzon at kumikilos pakanluran sa bilis na 15kph, na may taglay na hangin na may bilis na 65kph malapit sa gitna, at pagbugso na 80 kph.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi naman direktang tatama sa bansa ang bagyo ngayong araw bagamat posibleng itaas ang mga tropical cyclone signals sa extreme Northern Luzon sa Linggo o Lunes.