TRABAHO at ekonomiya ang pinakaaabangang isyu na nais marinig ng maraming Pinoy kay Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address ngayong Lunes, ayon sa Pulse Asia.
Sa isinagawang survey mula Hunyo 7 hanggang 16, tinanong ang 2,400 Pilipino kung anong nais nilang tukuyin ng Pangulo sa kanyang SONA, 38 percent ang nagsabi na trabaho kabuhayan ang nangungunang sagot habang ekonomiya ang ikalawa na nakapagtala ng 35 percent.
Nasa ikatlon pwesto ang inflation o pagtaas ng bilihin na nasa 33 percent, ang mabilis na vaccination program naman ang nasa ika-apat na may 31 percent, at pagtaas ng sweldo ng mga mangggagawa at educational system naman ang tie sa ikalimang pwesto na kapwa nakapagtala ng 26 percent.
Marami rin ang nagsabi na dapat talakayin ng pangulo ang aksyon ng gobyerno hinggil sa patuloy na pagsakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas; graft corruption; peace and order at ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Mamayang hapon, haharap ang Pangulo sa bansa para sa kanyang ika-anim at huling SONA.