Covid positive nagpanggap na misis niya para makasakay ng eroplano


DINAKIP ang lalaking positibo sa Covid-19 makaraan niyang magpanggap na kanyang misis para makasakay ng eroplano sa Indonesia.


Ayon sa ulat, sumakay ng eroplano ang lalaki na nakasuot ng tradisyunal na belo na natatakpan ang kanyang mukha.


Galing ng Jakarta ang eroplano at patungo ng Ternate Island sa North Muluku.


“He bought the plane ticket with his wife’s name and brought the identity card, the PCR test result and the vaccination card with his wife’s name,” ayon sa pulisya.


Muntik na siyang hindi mabuko pero isang flight attendant ang nakapansin na nagpalit siya ng damit-panlalaki kaya hinuli siya paglapag ng eroplano.


Isinailalim siya sa pagsusuri at nadiskubre na positibo siya sa Covid-19. Sa kasalukuyan ay naka-quarantine siya sa kanyang bahay.


Itutuloy ang imbestigasyon sa suspek kapag tapos na ang kanyang self-quarantine.