Pinay boxer Petecio nakaungos, malapit nang magkamedalya sa Olympics

PINATAOB ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang top ranked na Taiwanese boxer na si Lin Yu-Ting sa laban nila Lunes ng umaga sa Kokugikan arena.

Dahil dito naka-advance na si Petecio sa quarterfinals at isang panalo na lang ang kanyang kailangan para makakamit ng medalya sa Tokyo Olympics.

Kung maipapanalo ni Petecio ang susunod na laban ay sigurado na siyang meron siyang bronze medal.

Follow us on Facebook @PinoyPubliko and on Twitter @pinoy_publiko