WALANG tumutol na mga residente sa ginawang pagsibak sa kanilang kongresista na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr (Third District).
Sa botong 265-0-3, sinibak si Teves, ang itinuturong utak sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso, bunsod ng maraming kadahilanan.
Isa sa itinuturong dahilan ng pagsibak sa dating kongresista ay ang patuloy na pagliban sa trabaho na walang official leave of absence, paghingi ng asylum sa Timor-Leste, at indecent behavior sa social media.
Dahil sa bigat ng mga reklamo rito, ang kanyang “grave misconduct” ay mabigat na dahilan na para siya ay tuluyang tanggalin sa Kamara, ayon sa Ethics chairperson na Rep. Felimon Espares.
Samantala, ipagpapatuloy naman ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging care taker ng distrito, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.
“Speaker has already served as a caretaker, and we have not heard of any objection from the constituents,” ani Velasco.