TINIYAK ngayong Miyerkules ng Department of Agriculture (DA) na sapat na suplay ng bigas at karne sa harap ng inaasahang pagtaas ng demand ngayong kapaskuhan.
Ayon sa DA, base sa ulat ng National Rice Program, mataas ang lokal na produksyon ng palay.
“A big chunk of the supply comes from the locally produced rice, and production of farmers will be enough to meet the demand towards the end of the year,” sabi ng DA.
Nauna nang nagbabala si Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa harap ng pagbaba ng halaga ng piso sa dolyar at pagtaas ng halaga ng mga ginagamit sa produksyon ng palay.
Nagbabala na rin ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na maaaring tumaas ang presyo ng bigas mula P4 hanggang P5 kada kilo ngayong Oktubre.
Samanatala, siniguro rin ng kagawaran na sapat ang suplay ng karne sa bansa.
Base sa datos mula sa DA, aabot sa 1.82 milyon metric tons (MT) ang pangangailangan sa suplay ng manok samantalang nasa 1.65 milyon naman ang lokal na suplay ng baboy.
“With the demand for broilers expected at around 1.64 million MT this year, consumers are assured that there will be a generous supply to last up to early 2023,” sabi ng DA.
Samantala, aabot naman sa 1.79 milyon MT ang demand sa baboy, samantalang aabot sa 1.34 milyon MT ang lokal na produksyon at 0.29 milyon MT ang imported.
Base sa monitoring ng DA sa mga palengke sa Metro Manila, aabot sa P190 kada kilo ang whole dressed chicken; P300 kada kilo para sa kasim; P370 kada kilo para pork liempo; P420 kada kilo para beef rump; at P360 per kilo kada kilo beef brisket. (30)