INILAGAY sa P170 kada kilo ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price ng pulang sibuyas.
Ito’y matapos na magtulouy-tuloy ang pagtaas ng presyo nito at umabot sa P250 kada kilo sa maraming palengke sa Metro Manila.
Pinirmahan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang Administrative Circular Number 9 na nagse-set ng SRP pulang sibuyas para mapigilan ang patuloy na pagtaas nito.
“The implementing rules and regulations (IRR) of RA 7581 empowers and directs the Department of Agriculture to issue a suggested retail price for any or all basic necessities and prime commodities under its jurisdiction for the information and guidance of producers, retailers, and consumers,” sabi ni Panganiban.
Idinagdag ni Panganiban na kailangang ipatupad ang SRP para hindi makadagdag sa pasanin ng mga Pinoy dahil na rin sa epekto ng pandemya at pagtaas ng presyo ng langis.
Sa ilalim ng kautusan, epektibo ang SRP sa loob ng 60 araw.
Base sa monitoring ng DA, umaabot sa P200 hanggang P250 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas.