Sinas di dumaan sa health screening

HINDI dumaan sa health screening si Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas nang bumisita ito sa Oriental Mindoro noong Huwebes, ang araw kung kailan inanunsyo niyang positibo siya sa Covid-19.

Sa kalatas, sinabi ng provincial government na dumating si Sinas sakay ng helicopter at hindi dumaan sa pier ng Calapan, kung saan ginagawa ang screening, kaya hindi ito sumailalim sa itinakdang health protocols.

“Ikinalulungkot ng Pamahalaang Panlalawigan ang pangyayaring ito,” ayon pa sa kalatas.